Sunday, November 16, 2008
7:24 AM
Ako'y magkwekwento ngayon at ang post kong ito ay Tagalog dahil gusto ko.
Jeka, tinatamad talaga ako magpost, pero eto na..
para naman madagdagan laman ng blog ko din. :)
So, November 14-16 and tinatawag kong '3 Days of November'. Alam niyo kung bakit ?
Ganito kasi yun:
November 14 - Birthday ni Ryan.
November 15 - Birthday ni Cj.
November 16 - Araw nila Cj at Mariel.
Nadagdagan pa nagyong 2008 kasi Debut din ni Jizelle nung November 15.. tas yung araw naman nila Cj at Mariel ay ang 1st Anniversary nila. Ha ha. At napakaraming nangyari sa tatlong araw na iyon.. kaya narito ako upang ikwento ang mga detalye ng mga kaganapan. x) Ha ha.
Noong November 14 ng hapon ay nagtext si Johanna sakin. What time ba daw uwian ko, punta daw ako sa Robinsons Manila dahil kasama din niya si Mariel at Cj. Syempre gusto ko naman gumala kahit minsan kaya tinanong ko kung pupunta si Ryan. Sabi naman ni Ryan, pupunta ata daw siya, e di yun. Sumabay ako sakanya tapos mga 4:30pm ? nakadating na kami. Tumambay lang kaming 5 ng sandali tapos biglang kinailangan na ni Johanna umalis. Dadalaw pa daw sila ng family niya sa lola niya sa Kalookan. Nakakalungkot diba, ang aga niya umalis tapos hindi pa nanglibre si Ryan nun. Ha ha. Pag-alis ni Johanna, sabay naman dumating si Ybee. Naglakad kami ng konte at nag desisyon kumain na... kaya sa Shakey's kami napadpad. Masarap talaga ang libre! Ha ha. Kumain kami at nung patapos na kami, saka lang dumatin si Youko galing Madocs. So yun, pagkatapos kumain ay nag window shop nalang kami at umuwi na. :)) Bumaba sila Mariel at Cj sa may airport road. Si Ybee sa Lopez. Tas hinatid ako ni Ryan sa bahay, pati sa Youko. Mga 9.30pm nako nakauwi, buti hindi nagalit mama. Ha ha. Thanks ulit, Rai ! :D
Nako, ang haba ng post ko. Pero sige lang. Nasa November 15 nako. Ha ha. Sa amin mag bibihis si Mariel nung araw na yun bago pumunta sa debut ni Jizelle, pero hindi ko naman inakalang napaka aga niya dumating ! Nagtxt siya ng super aga, tinanong kung gising nako. Nabasa ko, pero nakatulog ulit ako. Nagising ulit ako, may text siya na papunta na siya... pero nakatulog ulit ako. At 3rd gising ko, nagulat nalang ako at may batang nag cocomputer sa room ko. Ha ha ! Pero ayos lang, sanay na din siyang lagi ako tulog, habang nandun siya at nag cocomputer. :)) Maya maya, nagulat nalang kami at dumating si Roxanne. Tumambay lang siya ng medyo matagal dahil nag PSP siya tapos umalis na din. Tamad na tamad kami ni Mariel magbihis... kaya mga 5 something na ata ako naligo. Dumating na din si Roxanne at sabay sabay kami nag make-up. Lols. At maya maya, dumatin na rin si Robin para sunduin kami. Nakakatawa talaga yung suot ni Robin. May scarf pa e. xD Ha ha. Tapos nun, dumating na din si Ryan dahil sakanya sumakay si Mariel, at lahat kami ay nagsi tungo na sa debut. Sa Ayala Alabang Country Club naganap ang debut. Grabe, ang ganda ng debut ni Jizelle. Ang saya din. :D Nakakainis nga lang nung cotillion, alam ko namang hindi ako marunong sumayaw.. tawa ng tawa sila Brian at Roxanne. -.- Di tuloy ako maka diskarte. Ha ha ! Birthday din pala ni Cj nun at binigay na ni Mariel yung surprise niyang scrap book. Nakow, hindi pala ako nakasulat dun. Masyado na akong tamad. x[ Ha ha. Pagkatapos ng lahat ay yung favorite ko. :)) Nagplano sila mag inom or sbucks.. kaya nagsi-alisan na kami. 4 cars kami, kay Ryan, Robin, Clark, and Grachie. Ang lawak talaga sa Village na yun, kaya nag attempt mag race si Rob at Rai.. pero natakot si Robin kasi baka mahuli kami at talo naman daw car niya sa Camry ni Rai. Ha ha xD Tas sila Mariel din pala, natatakot na kasi ambilis magpatakbo ni Ryan. Pagka labas ng village, sabi ko kay Robin, pa drive. At pumayag siya ! Yay ! xD Waha. Ayun... I had fun sa pag drive. :D Dumiretsyo na kami sa Sbucks... at thank you ulit Cj dahil nilibre moko ng frappe... at nakakuha ako ng 4 stickers. ^.^ I need 9 more though. Congrats, Brai. Nakuha na nia yung planner. :)) So yeah... tambay til 2 something. Then uwi mga 2.30am. Pagdating namin ni Mariel dito sa house, nag net lang siya... tas katxt ko si Cj kasi nag paalam siya kung pwede daw 8am punta siya dito para isurprise si Mariel ng breakfast. Anniv nila e. :D Tapos natulog na kami ng mga 4am !
Man. Ang haba talaga. Kahit ako pagod na. Pero masaya mag kwento sa blog. :)) Ha ha ha. Kaya ayun. Nag alarm ako ng 8am. Pag gising ko nagtxt na si Cj, nagtanong kung gising nako. Ha ha, sabi ko yeah. Tas nakatulog ulit ako. O.O buti nagising ako nung nagtxt nanaman siya na nandun na siya. So there, bumaba ako... pinapasok ko siya. Tas ginising niya si Mariel with her breakfast. Ang cute nila diba. =^.^= Waha. So nag shower si Mariel kasi mag chchurch sila. Tas maya maya... umalis na din sila. And so... ako ay mag isa na ulit sa bahay at ang ginawa ko lang ng buong maghapon ngayong araw ay matulog. :) Nag-enjoy ako sa 3 days na lumipas at sana may mas exciting pang mga magaganap sa mga araw na darating. Ö
Malapit na ang pasko.
Ang hirap mag-ipon.
Pero kakayanin ko 'to. :)
Congrats sa makakatapos na basahin tong buong post. :))
"And if the world doesn't see what I can be,
Well that's not a reason for me to say that I'm not free."
[ M e m e ]
! Somehow I hear your song resound.