Fakt # 1:
Kuripot ako. Sobrang kuripot ako kapag hindi ko masyado gusto ang reason kung ba't bibili ako. Kaya naiinis ako kay Mama kasi yung mga ipon kong Yen from Papa, yun binigay niya para allowance ko this Christmas. E ayoko talaga gastusin yon para sa load ko, exchange gift dito sa bahay, at pang lakwatsya, pero wala ako choice. Hindi niya ako binigyan today ng allowance from her own money. Mapapagastos ako ng wala sa oras. Nooou. >.<
Fakt # 2:
Tamad ako. Lalo na sa mga bagay na ayaw kong gawin. Katulad nalang ng pag aattach ng napakalaking file sa email. Ilang oras ko na inaattach to at wala paring nanyayari. Hindi ako makaalis ng bahay. Bago daw ako umalis kailangan masend ko na 'tong tarpaulin na 'to. Nakakabanas. :| Ayan, nabagsak ko pa LG phone ko. Psh.
Fakt # 3:
Gusto ko na ipadevelop yung film kaso sa sobrang kuripot ko, parang ayaw ko nalang. Ha ha. Magkano ba padevelop ngayon ? Dapat kasi si Mama gagastos para dito e. Humingi ako pera, pero sabi niya ako nalang daw magbayad. Mura lang naman daw yun. May pera naman daw ako. Hay. -.-
Fakt # 4:
May photoshoot ako bukas, pero ayaw ko pumunta, pero kelangan ko pumunta. Whyyyy. Ha ha. Nakakahiya mag pose and all. Hindi ba naman ako photogenic. Mukhang sobrang joke time naman 'tong debut na to e. @_@
Fakt # 5:
Stressful mag debut. Reminder lang: Wag na kayo mag debut. Lol. XD
! Somehow I hear your song resound.