Birthday ni Kuya Persey kahapon. Ha ha. Siya yung asawa ng pinsan kong si Ate Liza. At dahil birthday niya, may handaan at dahil may handaan, nagpunta kami sa bahay nila sa Moonwalk, Don Bosco. xD Ha ha. Ang aga namin dumating at sobrang bad mood ako nun. Hindi ako sigurado kung ano dahilan. Siguro pinagsamang irita dahil sa katext kong si _______ at kay Mama na sobrang ingay at mareklamo. Biruin mo, lahat nalang ng feeling niya mali, ipopoint out niya. Tas tas... Urgh. Ayoko muna pag-usapan si Mama dahil naiinis talaga ako. >.<
-Pero gusto ko rin ilabas yung isa sa mga libo-libong kinaiinisan ko tungkol sakanya. Puro pangako siya tungkol sa koche.. lagi nalang ako nag-aantay na payagan niya ako mag drive mag-isa pero hindi pa rin. Dati nag-antay nalang talaga ako dahil sabi niya pag 18 ko, papayagan na niya ako pero wala pa din. Sasabihin niya kelangan ko ng practice pa pero pano ako makaka practice kung hindi rin naman ako pinapadrive mag-isa ? Tas kapag papaalam nanaman ako, kunware okay lang sakanaya pero magagalit siya kasi gagamitin daw niya yung sasakyan. Grabe ilang beses niya sinabi sakin yan pero hindi naman talaga siya umaalis ng bahay. Lame magpalusot. Tas lagi niya ako sasabihan tungkol sa koche na bibili sakin ni Papa. What the heck. Gusto ko ngang sabihan na siya nalang kaya humingi kasi siya rin naman makikinabang don. Kasi kapag binilhan naman daw ako, yung lumang koche gagamitin ko. At kahit sabihin niya yan, hindi parin namana ata ako papayagan mag drive. Agh. Nakakainis talaga. Ang damot damot niya. Mag drdrive ba ako para magpakamatay ? Psh. Tas sasabihin niya hindi insured. Ang dami ko nang kilalang pwede mag-insure, tas tutungo lang siya. Urgh. ANYWAY.-
So yun nakahiga lang ako sa sofa pagdating sa bahay nina Kuya Persey. Bad mood talaga ako. Ang ingay pa din ni Mama nun, tanong ng tanong kung kakain na ba daw ako. Nakailang 'Hindi' na rin ako. -_- Tas dumating si Karl. Tas wala, naubusan ako load. Blah blah nakakainis nanaman si Mama sa part na 'to kaya umalis nalang ako bigla kasama si Karl, Nikki, at Katrin sa tindahan para magpaload. Gumaan loob ko nun. Ha ha. Ang sarap maglakad sa gabi tas dim orange streetlights. Tas malamig ang simoy ng hangin. Lol. Nawala ata lahat ng stress ko sa lakad na yun. So pagkatapos namin bumili at naglalakad na kami pabalik, bigla nagyaya si Karl mag shooting. E di game agad ako ha ha. Ang sarap mag basketball at masarap din mag feeling shooting-guard, 3-pointer. Lols. XD Nag-game kami. Ako at Karl magkakampi (matatangkad) tas kalaban sila Dudong, Nikki, Katrin, at Gabe. Ha ha ha. Final score namin 15-5. Nakakatawa si Nikki, ang bakaw. Shoot lang ng shoot para magka score. XD Tas dumating na si Migs. E di kampi namin siya ni Karl at nakakagulat ang score: 15-12. Naka 12 pa ang mga bulilit, ha ha. Baka kasi ang daya rin nanunulak at sumasabit samin. xD Anywhooooo. Dinner time na nun. Sarap ng Kani Salad at nakailang Fruit Soda ako. Kala ko ba naman magpapapayat nako. O_O He he. Pagkatapos nun, nanuod lang kami ng movie pero hindi ko alam title. LOL. Last part na rin napanuod ko e... so yeah after nun nag Volleyball kami. XD Pinawisan nanaman ako ng todo, pero ok lang. Masaya naman kahit hindi kami nakakabuo. Yung tatlong 'vartisy' kasi na kalaban namin ni Karl, masyadong magaling. :p Ha ha ha. Tas nag badminton kami ni Karl. Ang bano ko grabe. Ayoko talaga ng Badminton lol. Then Nag soccer ako saglit, then wala. Bagsak na. Ha ha. Humiga nalang ako sa sofa habang nanuod kami ng Imbestigador at Sine Totoo. Text mode nalang ako nun hanggang mga 12... tas naisip ko kung nasan na sila Karl. Pagpasok ko ng kwarto, tulog na sila halos lahat. O_o Humiga ako at nakaidlip na rin. Pero pagising gising ako kasi naman si Baby, sinisipa ako. -.- Then yeh mga 2am ginising nako para umuwi. Nakauwi kami mga 3am tas katext ko pa si Marko nun. Nagdodota padin sila sa Multi. O.O Grabe tas nakatulog nako tas pag gising ko may text siya mga 5am, sinaraduhan na daw sila ng compshop. LOL. Tas nakachat ko Dale kanina, natapos daw sila mag Dota mga 7am. Ang adik nila. ~_~'' Pero sana sumali ako. Ha ha ! Lapit lapit ng Multi sa Moonwalk. Isang trike lang, but anyway. TINATAMAD NAKO. ANG RANDOM NA NG TINATYPE KO. HA HA. SO YEAH BYE. XD
Neurotic anxiety ba talaga 'to ? xD
Lol. Random much.
[ Y u k o ]
! Somehow I hear your song resound.